Sunday 26 December 2004

At Ayala Centre With My Best Friend

Grabe yung bestfriend kong si MAH! Nalibre ko pa tuloy sa MRT papunta sa Glorietta pati na rin sa pag-uwi niya! Anyway, kaibigan ko naman siya eh.

Nakapag-serve naman ako sa church, at first time niya akong nakitang nag-serve. Sabi pa nga niya, mukha pa daw akong inaantok dahil hikab daw ako nang hikab. Pero sinabi niya sa akin na natamaan daw siya sa sermon ng pari kanina. Ano kaya yung sinermon ng pari kanina? Kausap ko kasi yung kasama kong nag-serve na si LF eh.

Then nakapunta pa siya sa bahay namin sa Kamias. Nakakain naman siya nang kaunti. Masarap nga ba sa kanya?

Dapat sana ay pupunta kami sa ABS-CBN para manood ng ASAP Fanatic. Pero wala kasing pumipila sa audience entrance.

Until we decided na pumunta na lang sa Glorietta since marami naman akong nakuhang aginaldo kahapon.

Sa Glorietta ay naglaro lang kami sa Timezone. Then may nakuha naman si MAH na mga items mula sa ticket na napanalunan namin.

Hanggang sa hinatid ko siya pauwi!

Saturday 25 December 2004

Pasko

Merry Christmas to all! Pati na yung iba diyan...

Is that all?

Friday 24 December 2004

Ang Gabi Bago mag-Pasko...

Ang saya talaga ng magiging Pasko ko...

Bagamat malamig ang simoy ng hangin ay mainit naman sa pakiramadam ang pagdiwang nito...

Lalo na't may nangyaring hindi ko inasahan kailan man...

Napakasaya ko... talaga...

Kaya malaki ang pasasalamat ko ng lahat ng nasa kalangitan dahil sa nangyari...

Kung napansin niyo man ako, labis ang kagalakan ko...

Salamat nang lubos...