Showing posts with label Roselle Nava. Show all posts
Showing posts with label Roselle Nava. Show all posts

Sunday, 26 October 2008

Roselle Nava - Mahal Mo Ba'y 'Di Na Ako




Hindi mo ba naaalala ang katulad ko
Wala na bang ganap sa puso at damdamin mo
Tuluyan bang nilimot ang lahat
Wala man lamang kahit na bakas
At ang pag-ibig natin ba'y talagang magwawakas

Hindi ka ba nanghihinayang
Nangyari ba'y ganoon na lamang
Wala na ba ang init ng pag-ibig mo
Naglaho ba sa puso mo
Kaya't ngayon ang mahal mo'y 'di na ako

Siya ba'y katulad kong kayang tawanan ang hapdi
At kung sakaling iwan mo ay kayang ngumiti
At sana man lang ay malaman niya
Hanggang ngayo'y minamahal kita
Maghihintay pa rin ang puso kong nag-iisa

Hindi ka ba nanghihinayang
Nangyari ba'y ganoon na lamang
Wala na ba ang init ng pag-ibig mo
Naglaho ba sa puso mo
Kaya't ngayon ang mahal mo'y 'di na ako

Hindi ka ba nanghihinayang
Nangyari ba'y ganoon na lamang
Wala na ba ang init ng pag-ibig mo
Naglaho ba sa puso mo
Kaya't ngayon ang mahal mo'y 'di na ako


Saturday, 25 October 2008

Roselle Nava - Bakit Nga Ba Mahal Kita




Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa iyo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa iyo


Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa iyo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita

O, bakit nga ba mahal kita