Thursday 9 October 2008

Sarah Geronimo - Ibulong Sa Hangin




Halata ba sa aking mga mata
Na ako ay may nais ipadama
Ngunit ako ay nangangamba
Baka may masaktang iba

Halata ba sa kilos ko't galaw
Puso ko'y may nais isigaw
Ngunit ‘di mabigkas ng labi
Nag-aalangan kung tama o mali

Ano bang dapat kong gawin
Sa magulong isip at damdamin
Hindi ko yata kayang sabihin
Wala na akong magagawa kundi
Ibulong sa hangin

Halata ko sa iyong mga mata na
Mayroon kang nais pabatid
Sana'y hanggang dito na lamang
Pagkat ayaw ko rin masaktan

Ano bang dapat kong gawin
Sa magulong isip at damdamin
Hindi ko yata kayang sabihin
Wala na akong magagawa kundi
Ibulong sa hangin

Sa hangin kita hahagkan at yayakapin
Huwag kang mag-alala
Hindi ito malalaman ng iba

Ano bang dapat kong gawin
Sa magulong isip at damdamin
Hindi ko yata kayang sabihin
Wala na akong magagawa kundi
Ibulong sa hangin

Wala na akong magagawa kundi
Ibulong sa hangin...

No comments: