Monday, 27 October 2008

Bitterness

Ang sarap talagang damhin ang hanging amihan. Talagang nalalapit na naman ang Pasko. Ngunit sana ay maayos naman ang magiging Pasko ko. Ang dami ko pa ring dapat harapin, lalo na ang pag-aaral ko. Ilang buwan na lang ay ganap na akong Registered Nurse. Sana nga ay malampasan ko ang lahat ng hirap na susuungin ko.

Ang saya talaga nang makasama ko sila "Maria" at "Gina". Nakasama ko nga pala sila sa isang duty nitong mga huling linggo. Super na-miss ko sila kaya nilubos ko kanina yung oras para makasama sila nang matagal.

I was at the school submitting my provincial duty receipt when I saw them two. At nakita ko nga sila doon. Sinamahan ko sila sa school. Siyempre, miss na miss ko sila.

Habang tumatagal ang mga kwentuhan namin, nagawa ka ring makapag-open up tungkol sa sobrang hinanakit ko. Imagine, lang gabi rin akong tumatangis dahil sa sobrang sakit ng kalooban ko. At naka-relate nga rin sila sa sakit ko.

Pareho rin pala kami ni Gina na may hinanakit ding dinarama. Mabuti pa si Maria, wala nang hard feelings at nakapag-move on na siya sa nakaraang hapdi. Pero mas malala pa rin sa akin, gayong hindi naman ako napasok sa isang kumplikadong relasyon. Ang sakit talaga. Ilang gabi din yung mga sandaling naaalala ko ang mga pangyayari na bigla na lang magiging sakit at hapdi na higit pa sa sinapak. Halos naiiyak na ako noong kakwentuhan ko silang dalawa. Pero ayaw ko rin namang magmukhang tanga.

Bakit kaya ganoon? Tila mas pinapahalagahan ko ang mga taong nagdudulot sa akin ng hirap at sakit at tinatalikuran ko ang mga taong lubos na lumulugod sa akin? Talaga nga bang malaki akong TANGA?

Marahil nga, isa akong TANGA. Pilit ko pa ring pinanghahawakan ang mga ano mang nakakasira lang ng kasayahan ko. I confess, I'm overacting again. For the past nights that I've been crying, I still haven't learned.

As I am typing right now, I'm trying to hold back my tears. Alam kong may mas karapat-dapat akong tangisan. Yun ang mga taong lubos na nagpapahalaga at nagmamahal sa akin na akin lamang binaliwala. Yun ang mga taong lumuha na rin dahil sa akin ngunit hindi ko man lang binigyang pansin.

But still, I am stupid. Oo, TANGA nga.

No comments: