Good afternoon!
Guess it's about to rain outside. At bubuhos na rin miya-miya ang malakas ng ulan. Sana ay kasabay din ng agos ang pagkawala ng mga problema at hinanakit ko.
Kung makikita niyo, halos puro tungkol sa saloobin ko ang mga sinusulat ko rito. Hindi ko rin kasi alam kung kanino ko dapat ibaling ang mga saloobin ko. Kung sa bagay, katulad ko rin ang mga ibang tao na may kanya-kanya ring dinadalang problema at hinanakit. At least, nakakatulong ang mga dasal upang gumaan man lang ang loob ko.
Many people say that I'm friendly and jolly. Ngunit mangilan-ngilan lang ang nakakaalam at nakakaramdam kung ano talaga ang saloobin ko. Ayaw ko rin kasing magmukha akong tanga sa harapan ng maraming tao kung magpapakita ako ng pagiging emosyonal ko. But guess what? I'm almost certain of what I really am. I guess, medyo gets na ng iba sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin.
At ayan, umaambon na. I can feel the rich moist air (pero huwag sana akong dapuan ng sakit). Ramdam ko namang medyo nawawala na yung mga bigat sa kalooban ko. Thanks sa mga nagkokonswelo sa akin kahit na hindi nila ipinapahalata sa akin.
Gaya ng sinabi sa akin ng dati kong leader noong nag-text sa akin: "Hope that you'll find happiness with the people who love you."
Maraming salamat sa kanya. I'm sorry kung poot at galit pa rin ang pinairal ko sa iyo. But you know what? Marami rin akong natutunan sa iyo, gaya na lang ng pagiging matatag ang kalooban. Kung alam mo lang, sobra akong naiinggit sa iyo. Pero sana, mapatawad mo ako by the time na mababasa mo ito. You know naman na tinuring kitang kaibigan, at alam mo ring napapangiti mo rin ako sa mga kwento mo. Kaya sana rin, marami kang mapasayang tao.
At sa lahat ng mga taong mahalaga sa akin, MAHAL NA MAHAL KO KAYO.
At sa lahat ng mga kaaway ko, hindi pa rin tuluyang nagsasara ang pintuan ko para sa inyo, at sana nga ay MAGPATAWARAN na tayo.
Salamat sa lahat for this now!
【年明けから丁寧に】
-
【新春振る舞酒】2025年の仕事初めは、1月2日にひろめ市場で開催された、新春振る舞酒イベントに出席しました。ひろめカンパニー西岡社長、桑名市長、菊地さんとパチリ。
【松山旅行】年末は、家族で沖縄3離島巡りを計画しておりましたが、出発当日早朝に発熱。飛行機・フェリー・タクシー・ホテル・アクティビティ、全てキャン...
2 days ago
No comments:
Post a Comment