Monday, 3 January 2011

Solo Adventure in Manila... with ME, MYSELF, and I

Good afternoon!

Guess I had so much fun with ME, MYSELF, and I in Manila. My city for more than 10 years.

And here are some pictures during my solo adventure in Manila. It starts in Intramuros.



Naalala ko dati, madalas rin akong gala rito. For whatever reason, hindi ko rin alam. But I know that there's something with this place na binabalik-balikan ko. Mayroon din kasing ibang lugar sa Intramuros na anim'y nasa panahon ako ng pamumuno ng Espanya sa Pilipinas. Ngunit dahil na rin sa modernisasyon, unti-unti na ring naglalaho ang diwa ng sinaunang Intramuros.



Eto ang Simbahan ng San Agustin. Maniniwala ba kayong ilang lindol na ang pinagdaanan ng simbahang ito? It even the survived during the Battle of Manila, pero heto't hindi pa rin ito nagunaw. Amazing isn't it? It is in fact the oldest church still standing in the Philippines.



Here's the altar inside the San Agustin Church. Kahit na maraming tao, pilit ko pa ring kinuhanan yung ibang mga imahe sa loob ng naturang simbahan. Now let's proceed to Manila Cathedral.



Kilala din ang Manila Cathedral bilang Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception dahil makikita sa altar ang imahe ng Imaculada Concepcion.



Sa taas ng imahe ay may inskripsyong Latin na ang ibig sabihin ay "MARIA NA IPINAGLIHI NA WALANG ORIHINAL NA KASALANAN" sa wikang Filipino. Noong mga oras na kumukuha ako ng ibang retrato ay maraming turista ring naroon, especially Europeans and Koreans.



Anyway, hindi naman ako nagtagal sa Intramuros. At siyempre, hindi ko pinalampas ang Manila City Hall dahil kinuhanan ko rin ng picture yung tore, at saka nag-relax muna ako sa SM Manila. At saka dumako naman ako sa Santa Cruz Parish, isa sa mga paboritong simbahan ng ninong at ninang ko.



Dati rin kaming nagsisimba ng mom ko rito lalo na kapag matao sa Simbahan ng Quiapo. Mas deboto kasi sa Nazareno ang mom ko kaya mas gusto pa rin niyang magsimba sa Quiapo. Pero naalala ko rin na madalas akong idala rito ng ninang ko sa tuwing may matapos siyang puntahan. At isa rin ang ninang ko na naglapit sa akin kay Lord noong bata pa ako. At dahil sa pagiging relihiyosa ng ninang ko, she became successful at nagwo-work siya ngayon sa United States. My ninong, on the other hand, is also successful. I myself also became successful dahil nakakuha ako ng magandang work, although hindi naman siya tugma sa kursong natapos ko.



Alam na kung ano ang next stop ko... CHINATOWN!



As an Asian, nagpupunta rin ako minsan dito in search of mystical items. Dito sa Chinatown, halo-halong bagay rin ang makikita rito, dahil may mga Japanese and Korean items rin. But guess what? It's a bit hard to find someone who speaks in Mandarin (though I'm not that good in Mandarin) because the majority of the Chinese people there speak Fukienese, followed by Cantonese. Pangatlo nga lang ang Mandarin. But expect that majority of the Chinese here are also native speakers of Tagalog. Kung baga, Chinese ang salita sa bahay, habang Tagalog at English naman sa labas. Dumako naman tayo sa last destination: BINONDO CHURCH.



The Chinese Filipinos are unique in Southeast Asia in being overwhelmingly Christian. Almost all Chinese Filipinos, including the Chinese Mestizo but excluding the recent immigrants, had or will have their marriages in a Christian church. This proves that the majority of Chinese Filipinos have been baptized in a Christian church, with Catholics forming the largest group. I myself saw a lot of Tsinoys praying inside the church.



Bago nga ako pumasok sa simbahan ay nag-alay muna ako ng maikling panalangin. At sa halip na wax candle ang ginamit ko ay Chinese candle ang pinangtirik ko. Bagay na nasapawan man ng Katolisismo ang mga Tsino ay hindi pa rin maglalaho ang kanilang mga kustombre at kaugalian.



Well, was my solo adventure worth it? Maybe next time, I'll do another sort of solo adventure with ME, MYSELF, and I. Ciao!



HEP HEP HEP! Pahirit pa ng isa... dito kasi ako bumaba pagkatapos ng Solo Adventure ko. "Arriving at Anonas Station. Paparating na sa Anonas Station." Parang si Nicolehyala ang naririnig ko sa recording ng tren. At oo nga pala, bibilhin ko na sa Lunes yung tatlong album ng Tambalang Balasubas at Balahura... sila Nicolehyala at Chris Tsuper!

No comments: