Saturday, 18 April 2009

Haunted in "Panaginip"

Hottie afternoon! Damang dama na nga ang tag-init dito sa Pilipinas. At kinuha ko na kahapon yung final grades ko. THIS IS REALLY IT! Welcome na ako sa NCM 105! This is for real! Nalampasan ko rin ang pagsubok na pinagdaanan ko. Thanks kay Lord dahil mas natuto akong tumanaw sa aking pagkakamali at magpakatatag lalo sa lahat ng mga challenges na dumaan sa akin.

Anyway, dumako na tayo sa talagang topic ko.

Yesterday afternoon lang ay galing nga ako sa school dahil kinuha ko yung grades ko. Nakatulog din ako agad pagkatapos kong kumain ng tanghalian ko. Hindi ko na rin inindiyan ang init dahil summer na nga ngayon.

At dahil nga nakatulog ako, nakarating uli ako sa dimensyon ng aking panaginip. And speaking of my panaginip, halos malayo sa posibilidad ang nangyari sa akin. Ngunit tila wari gising ako noon. Bago ko pa ituloy, hindi ko na didiretsahin kung ano nga ba ang naging panaginip ko. Alam naman siguro ng iba sa inyo na overacting akong tao. Let's just say na may nangyaring kamunting tampuhan ngunit hindi na rin napigilan ang makipag-hug. Hanggang sa nagising na rin ako.

Pero bago yung "tampo-and-hug" portion na yun, may nangyari na ngang "schoolmate ba kita?", "padaan sa harap ng house", at "the real one with the resembling one". Pero halos sunod-sunod na nakakapanaginip ako na related sa mga nabanggit ko.

At noong evening na nagising ako, napansin kong tears have fallen down from my excruciated eyes. But still, hindi pa rin natatapos yung ganoong panaginip. Alam ko rin kasing makakapanaginip uli ako na related sa mga yun.

At noon gabi uli ay nanaginip ako uli. Let's just say na ang sitwasyon ay kasama ko yung ibang kaibigan at kakilala ko, at nakaluklok yung tinutukoy ko ngunit nagtaka ako sa panaginip ko kung bakit niya kasama yung schoolmate ko noong highschool (pero never ko naman naging ka-close yung schoolmate kong iyon). Isang munting panaginip lang yaon.

Ilang panahon ko na ring dala yung hinanakit sa loob ko. Hindi ko na nga alam kung kanino ka ba dapat ibaling ang saloobin ko. Dito ko na lang siguro mailalabas ang lahat sa blog kong ito.

And the utterance that breaks me more into shattered pieces: "Huwag ka nang magsalita pa kung hindi rin lang importante!"

No comments: