Saturday, 12 February 2005

OLFU Field Demonstration

Isang maagang umaga ng Sabado... may Field Demonstration kami sa Rizal Memorial Sports Centre sa likod ng DLSU.

Sa estasyon pa lang ng LRT Monumento ay super dami na ng mga estudyanteng taga Fatima! Pero buti na lang at agad naman akong nakasakay sa LRT. Kaso, wala akong kasamang kaklase o kakilala ko. Pero noong pagbaba ko sa estasyon ng Vito Cruz ay doon ko rin nakita yung iba kong mga classmates. Buti na lang ay may nakasama na ako.

Bali sa stadium, first time pa lang ang pagyapak ko doon. Ang laki talaga ng stadium! Umaasa pa man din ako na mayroon akong makikilala, either from Valenzuela Campus or Quezon City Campus. kami lang palang mga freshmen from Valenzuela Campus ang nakapang PE uniform, habang ang mga taga QC Campus ay suot-suot anng Foundation Day outfit. Around 8:00 AM na kaming nagsimulang nag-perform.

In fairness, unang-una ako sa pila namin. Sinayaw namin yung tinuro sa amin ng mga PE professors namin gamit ang mga awit na TOTOY BIBO (Vhong Navarro, KILITI (Baywalk Bodies) at JUMBO HOTDOG. Kakatuwa ngang isayaw eh. Habang CHOCOLATTE (Soul Control) at CHOOPETA MAMA EU QUERO (T-rio) ang sinayaw ng mga babae.

Even though scorching hot kanina sa stadium, na-enjoy ko naman ang once in a liffetime experience ko as a student of OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY.

Saturday, 8 January 2005

Marikina Riverbank Fun!

HAAY! Super saya ko buong maghapon dahil kasama ko kanina sina MAH at DF! Pero bago yung kasayahan ay pinuntahan ko sila MAH at DF sa amins a Malabon. Sa bus ay doon kami nagkakwentuhan ng maraming bagay tungkol sa samahan namin at sa buhay na rin namin. Oo nga pala, may ipinagtapat ako kay MAH at DF tungkol sa pananaw ko kay NB.

Then, nung pagdating namin sa QM ay agad kaming dumiretso sa HFP dahil may meeting kaming mga Knights of the Altar. Tumagal ako doon ng halos tatlong oras dahil diniskusyon pa ng pinuno namin ang tungkol sa mga service namin. Around 4:00 PM na, pero ayaw pa rin akong paalisin ng pangulo namin. Buti pa si LF, pinayagan na. Naiinip na rin kasi yung dalawang friends ko. But the good thing is that pinatakas naman ako ni BM! Saalamat talaga nang lubos sa kanya!

Nang makarating na kami sa bahay ay pinakain ko muna sina MAH at DF. Kahit ako ay pinapatay ako nun ng kagutuman. Nag-ayos kami ng kinainan namin, nanood sandali at umalis na.

Sabi ni DF ay iba-iba ang VIBRATION ng bawat sa silid sa bahay! AKU TAKUT! Miya-miya ay nagpasya na kaming puntahan ang Marikina Riverbank, pero LALAKARIN lang! Imagine, around thirty minutes, naglakad lang kami papuntang Marikina! Una kaming napadaan sa bahay sa Chico Street na super purple and pink ang colour! At napadaan pa nga kami sa Butterfly World, at naalala namin si VaA, ang "anak" ni DF! Nagpasya namamn si MAH na pupuntahan namin iyon sa birthday ni DF. Then naglakad pa kami... nadaanan din namin yung cementerio. But before that, nadaanan din namin yung isang bahay na nasunog... at NAKAKIKILABOT! Pero anyway, binaliwala lang namin yun at naglakad pa kami.

Voila! MARIKINA RIVERBANK MALL! Nagpalamig muna kami doon nang saglit. Halos dama ko nun ang saya! After sa mall ay pinuntahan na namin mismo ang ilog. Habang tumatawid na kami sa isang tulay ay marami kaming nakitang mga isda. Noong una ay napagkamalan namin ang yun na TILAPIA pero JANITOR FISH lang pala! Ang laki naman ng mga nun! Una, pumunta kami sa bandang itaas sa may bandang damuhan dahil naalala daw ni DF na may rebultong elepante banda roon. Ngunit tila nailipit iyon sa kabilang dako ng ilog.

Naghahanap na kami nun ng maaaring luklukan pero okupado na ng lahat ng kung hindi mga magkakaibigan ay mga magkaka-ibigan, as in mga mag-ON! Naiinggit nga kaming tatlo sa mga lambingang nagaganap doon! Nung nasa damuhan na kami ay nakakita kami nga mga bakanteng upuan. Ang kaso ay nasa kabilang dako pa ng ilog. Kaya tinawid uli namin uli ang ilog at pinuntahan yung isang puwitan. Nagpahinga na muna kami doon sandali. Pero bago yun ay nakakita kami ng malaking bangka na pwedeng magsakay ng halos tatlumpung katao.

Pagkatapos naming magstop over ay nagpasya na kaming lakarin ang kahabaan ng daan sa tabing ilog. Pabirong sinabi pa namin ni MAH na baka makaabot kami sa ANTIPOLO nang di-oras! Pero por supuesto, trip pa rin naming lakarin ang daan. Sa daan sa nasalubong namin yung mga statue animals pati na yung elepanteng hinahanap ni DF. Hanggang sa aming paglalakad ay may nakita kaming tila kasayahan!

At doon nga, nakita namin ang mga naka-mostrang mga ala-united nations na estruktura. Pero hindi na lang kami pumasok sa loob dala ng maraming tao. Then tumawid na kami sa ilog para bumalik uli sa mismong liwasan. Hanggang sa nakita namin yung simbahan sa Calumpang na tila under construction pa. Hiniling naming tatlo na bigyan pa sana kami ng lakas sa aming paglalakad. Of course, nakangiti pa rin kami sa isa't isa! Hanggang sa nakarating na uli kami sa liwasan. Nahiga muna kami sa damuhan upang ipahinga na muna namin ang aming mga pagod ngunit masasayang katawan!

After ng saglit na pahinga ay umalis na kami. Bale sumakay na kami nun ng jeep dahil halos hindi na namin kayang lumakad pabalik sa amin. Habang nasa biyahe na kami ay tinuro-turo namin yung mga landmarks na dinaanan at hinintuan namin! Bumaba na kami sa St. Joseph Parish nang makaratong na kami roon. Nilakad uli namin ang kalye ng Anonas at nakaabot uli sa amin. Pinainom ko muna si MAH pero hindi gaanong nakainomn si DF dahil ayaw ko na silang makita pa ni mommy.

Naglakad na naman uli kami pabalik sa EDSA para sumakay na sila pauwi. Hanggang sa may nakita kaming kakaibang sunglasses na nakasabit sa doorbell ng bahay nay nagngangalang FB. It actually looks like an abadoned house. Nang makita ko kasi yung Meralco Bill ni FB ay hindi man lang tila nakalkal. Palagi pa man din yun madilim sa tuwing dumadaan ako. Nung dumaan kami doon kaninang hapon ay wala kaming napansin na nakasabit na sunglasses. But guess what? It sense something bizarre about the glasses! Anyway, matapos ko silang naihatid sa sakayan sa EDSA ay super saya ng pakiramdam ko!

But still, hindi pa rin nagtatapos ang kwento ko rito! Dahil pumunta pa ako sa simabahan namin para mag-practice ng paggamit ng incense! Grabe talaga ang atake ng pagod at antok sa akin dahil dinaig ko pa ang lasing sa nangyari sa akin! Ang dami kong pagkakamali sa practice ko kaya napapagalitan ako ni Brod.

But anyway, masaya pa rin kaming tatlo!

Acquaintance

Around kaninang tanghali nung nasa MBASHS ako para sunduin ko yung dalawang friends kong sina MAH, VaA, at HN. Nung nasa loob na ako ng campus ay hindi ko sila makita kung nasaan sila. Kaya hinanap ko na lang sina VeA, MA, at sina KA at JAZ. Ngunit wala rin sila. Kaya pumunta na lang ako sa bahay nina VaA, pero naka-lock pa rin ang bahay nila. Kaya bumalik uli ako sa school nila. Ngunit, wala pa rin sila. And back to their house... nandoon na rin sina VeA at MA.

Nung matapos mananghalian ni VeA ay sinamahan ko siya papuntang school. Kasama niya doon yung mga kaklase niya. Then pinuntahan ko naman si DF sa headquarters upang kumustahin siya. Sa HQ, nakita ko doon yung isang batang babae na pawang nasa antas ng mababang paaralan, at yung bagong novia ni DF na si JO. Wow, ang ganda ng auric vibration sa akin ni JO!

As I explore the HQ, nakilala ko doon yung very close friend ni DF. His name is NB. More likely, he's of Spanish origin like me dahil mestisuhin siya at matangos ang ilong niya. At ayun, dahil sa kakulitan ko, nakakulitan ko agad!

Miya-miya ay nadatnan na ako nina VeA, KA, at JAZ. Umalis din sila agad. Then a couple of minutes ay nadatnan naman ako nina MAH at VaA. Pinakilala na ni DF si JO sa kanila. Bale tumambay kami sa HQ ng ilang oras along with other people na kakakilala ko pa lang, lalo na si NB.

Masaya siya, promise!