Saturday, 12 February 2005

OLFU Field Demonstration

Isang maagang umaga ng Sabado... may Field Demonstration kami sa Rizal Memorial Sports Centre sa likod ng DLSU.

Sa estasyon pa lang ng LRT Monumento ay super dami na ng mga estudyanteng taga Fatima! Pero buti na lang at agad naman akong nakasakay sa LRT. Kaso, wala akong kasamang kaklase o kakilala ko. Pero noong pagbaba ko sa estasyon ng Vito Cruz ay doon ko rin nakita yung iba kong mga classmates. Buti na lang ay may nakasama na ako.

Bali sa stadium, first time pa lang ang pagyapak ko doon. Ang laki talaga ng stadium! Umaasa pa man din ako na mayroon akong makikilala, either from Valenzuela Campus or Quezon City Campus. kami lang palang mga freshmen from Valenzuela Campus ang nakapang PE uniform, habang ang mga taga QC Campus ay suot-suot anng Foundation Day outfit. Around 8:00 AM na kaming nagsimulang nag-perform.

In fairness, unang-una ako sa pila namin. Sinayaw namin yung tinuro sa amin ng mga PE professors namin gamit ang mga awit na TOTOY BIBO (Vhong Navarro, KILITI (Baywalk Bodies) at JUMBO HOTDOG. Kakatuwa ngang isayaw eh. Habang CHOCOLATTE (Soul Control) at CHOOPETA MAMA EU QUERO (T-rio) ang sinayaw ng mga babae.

Even though scorching hot kanina sa stadium, na-enjoy ko naman ang once in a liffetime experience ko as a student of OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY.