Sunday, 21 January 2007

Nahulog na naman ba ang LOOB ko?

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko... Panibagong pakiramdam na naman kasi ito, eh. Matagal ko na yata ito naramdaman, pero hindi ko lang gaanong binigyan ng kahulugan. Hanggang sa nitong mga nakaraang araw ko lamang naramdaman. Isang linggo na pala ang nakalipas. At ang taong tinutukoy ko aay ang taong isa sa mga bago kong mga kaibigan. Noong una ko pa lang siya nakita ay iba, ngunit napakagaan ng nadama ko sa kanya. Hanggang sa umabot na sa punto na nagbigayan na kami ng aming mobile phone numbers. At kinabukasan ay halos buong maghapon kaming nagte-text. At halos hatinggabi na pala nung huli ko siyang naka-text. Ni hindi ko na nga nareplayan yung ibang mga nag-text sa akin. Nung araw na iyon ay marami na pala akong naikwento sa kanya, kabilang na rin ang ilang mga lihim ng buhay ko. Ngunit alam kong mapapagkatiwalaan ko siya. Mabait siya eh! Kaya hindi ako nagtataka kung bakit marami siyang kaibigan, at marami rin ang nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya. At alam kong swerte sa kanya ang mga kaibigan niya. At kinabukasan ay ganun din kami... kumustahan... kwentuhan... kulitan... masaya ako na ka-text siya dahil hindi ako nababagot sa kanya. Pero hindi alam ng mga kaibigan ko at ng mga taong malalapit sa akin na may ugnayan kami sa isa't isa. Ewan ko lang sa kanya kung alam naman ng kaibigan niya ang aming ugnayan. Ang may ikinaiinggit nga pala ako sa kanya. At yun ay ang madalas niyang pag-eensayo sa aming paboritong laro. Buti pa siya, araw-araw na naglalaro nun. Sa aking kaso naman, hindi madalas ang aking pag-eensayo. Pero may halo namang paghanga ang pagkainggit ko sa kanya. At talagang masaya ako para sa kanya. Ngunit noong ikatlong araw ay medyo kinutuban na ako. Ni hindi niya ako binati pabalik. Kung hindi ko pa tinanong kung gising pa siya ay hindi niya ako rereplayan. Pero medyo inip na talaga ako nun, bagamat marami rin ang mga nagte-text sa akin. Tila wari patay ako nung hindi siya nakikipag-text sa akin. Pero nung gabing natapos akong nagsimba ako ay tinanong ko siya kung meron siyang kaibigang nagsisimba sa aming simbahan ng gabi. Medyo natawa ako nung sinabi niyang "AKO". Hindi ko alam kung nalabuan ba siya sa tinanong ko o nagbibiro lang siya. Pero ang sabi naman niya ay nagsimsimba siya ng dapit-hapon. At kinagabihan din ay ka-text ko uli siya. Pero may nararamdaman na akong medyo may alinlangan na siya sa pakikipag-usap sa akin. At kinabukasan... talagang wala na kaming ugnayan... ni wala akong natanggap na kahit pagbati lang... sumunod na naman ang kinabukasan na walang sagot sa mga mensahe ko... ganun din ang nangyari sa isa pang kinabukasan... at ngayon... sinusubakan ko siya kaninang tawagan, ngunit hindi niya sinasagot ang mobile phone niya. Hindi ko alam kung naiwan ba niya o sadyang ayaw niyang sagutin. Pero sa text messaging, hindi ko alam kung wala siyang load o nagsawa na siya sa akin... Ang sakit... pero bakit lagi ko siyang hinahanap??? Mas ibang pakiramdam na ito kaysa sa mga nakaraang kong sentidos... pero may halo pa ring pag-aalangan... hindi pa rin ako tiyak kung totoo na itong nararamdaman ko... at hindi ko alam kung dapat ko na nga bang pangatawanan... pero... hanap-hanap ko pa rin siya... kahapon sana ay magpapakita ako sa kanya... kaso ay ano na lang ang sasabihin niya sa akin... hindi ko alam...