Thursday, 2 June 2011

TRUST and FRIENDSHIP

Good evening.

Medyo matagal na naman akong hindi nagba-blog. Perhaps, I got indulged to things I thought na maganda pero masama rin pala. Iba talaga kapag nasira pareho ang tiwala at pagkakaibigan. Malaking epekto sa samahan.

But in my case? Wala akong pagsisising nagsabi ako ng tunay kong saloobin sa isang taong inakala kong kaibigan ang turing sa akin. At ang napagsabihan ko pa ay ang taong matiim kong pinagkatiwalaan dahil sa paniniwala ko na mauunawaan niya ang saloobin ko.

Para sa mga hindi nakakakilala sa akin, topakin at aning akong tao. Oo, may sariling mundo rin ako kadalasan. Hindi ko nga iniinda sa akin yung mga kritisismong binabato ng iba sa likuran ko. All I know is that I'm just being true to myself because I stand to my belief. Alam ko rin sa sarili ko na naging tapat akong kaibigan, sa kabila ng pagkakaroon ko ng masamang ugali.

Naging tanga na rin ako sa taong tinuring ko pa man din na "BEST FRIEND". Kahit na pakaliwa pa rin ang mga bagay na binabato niya sa akin, kumakapit pa rin ako sa pag-asa na gaganda rin balang araw ang approach niya sa akin. Kahit na matindi ang sama ng loob ko sa kaibigan ko, tiniis ko pa rin yun dahil sa sobra kong pagmamahal sa mga kaibigan ko, lalo na sa kanya.

At sa hindi ko mawaring dahilan ay ibinunyag pa ng isa ko pang kaibigan ang lahat ng mga hinanakit ko sa tao na itinuring ko na "BEST FRIEND". Aaminin ko rin na may pagtingin ako sa taong tinutukoy ko. Ngunit sinira lang niya ang tiwala ko sa kanya.

But anyway, gaya ng status ko sa Facebook ko: "Nothing to loose... everything's gonna be alright..."

Nothing to loose talaga. Sinabi ko lang ang saloobin ko. Pero ang totoo, ang mga dalawang kaibigan ko ang mga tumalikod sa samahan. It's not that I'm giving them the sense of guilt. Kung sa bagay, mapipilit ba sila kung hindi nila kayang tignan ang mga pagakakamaling nagawa nila. Aaminin ko, marami rin akong nagawang pagkakamali. Isa na dun yung taong pinagkatiwalaan ko. Pero sa pagsabi ko ng saloobin ko? I'll never consider it as a big mistake. If they cannot see my real worth, then it's up to them. At least, I did my part as a true friend kahit na nagkamali pa ako sa paraan ng pagsabi ko ng saloobin ko. I know na mas offensive yung nagawa ko dahil sa halip na sa mismong "BEST FRIEND" ko sinabi ay sa ibang tao pa. I should have thought na close yung "BEST FRIEND" ko at yung kaibigan namin, este, kaibigan niya lang.

And recently, nalaman ko lang na nagalit sa akin yung iba ko pang mga kaibigan dahil sa nagawa ko. Pero bakit ko naman yun didibdibin nang sobra? Hindi ko naman sila masisisi rin kung hindi rin nila aalamin ang side ko.

Hanggang dito na muna. Ayaw ko munang isipin kung ano pa yung susunod na mangyayari sa sitwasyon ngayon. Ang masasabi ko lang ay NEVER AKONG NAGKULANG SA PAGIGING TUNAY AT TAPAT NA KAIBIGAN NA MINASAMA PA ANG SALOOBIN KO.