Pressurized... Pressurised...
But whatever spelling it may be, that's what I'm feeling right now!
Ang hirap talaga kumuha ng grades kanina! Naka-hold pa pati ang grades ko ngayong semestre. But I am certain na pumasa ako. Kailangan ko pa tuloy asikasuhin bukas. Imbes na nakakapagpahinga na lang ako bukas, IMBEY! Parang nakakatamad na ring mag-ayos. Pero sayang naman kung hindi. NCM 105 na ako.
At nakipag-inuman pa pati ako kagabi.
Mayroon rin pala akong nai-open up habang lasing na ako. Sinasabi ko na nga simula pa kagabi eh. Hindi na lang sana ako nag-ambag ng pang-inom. Hinayaan ko na lang sana yung mga kasama ko na uminom, pati yung taong nakatampuhan ko.
Speaking of that person na nakatampuhan ko, alangan pa rin ako sa palagay ko kung hindi nga siya galit o hindi lang niya sinasabi sa amin na galit siya. But guess what? Nakakahinayang pa rin na nasira na lang nang ganoon yung samahan namin bilang magkaibigan.
Perhaps, that person was laughing at my back noong nalasing ako. I admit, OA akong tao. Kung sa kanya ay ganoon na lamang, inaamin kong masakit naman yun sa akin. Gusto ko sana siyang kausapin para mawala na yung paghihirap ko nang matagal, pero pinipigilan pa rin ako ng aking pride. Napagsalitaan ko pa siya ng kung ano-ano nung pauwi na kami. Taong simbahan pa man din ako at ganoon yung mga salitang lumabas sa akin sa likuran niya.
Kaya nga VIRTUALLY PRESSURISED ako. Pero nakakahinayang ding nasira na lang nang ganoon ang nabuo naming pagkakaibigan. All because of my foolishness.
【未来が過去を変える】
-
本市機構改革に伴い、地域活性推進課が地域コミュニティ推進課に移管されました。観光をきっかけとした移住促進などをめざす「文化観光スポーツ部」、公共交通など市政全般の機動的な推進を図る「政策企画部」が新設され、組織横断的に取り組んで参ります。
私は本市文化観光スポーツ部
移住・定住促進課に異動し、関係人口創出...
8 hours ago
No comments:
Post a Comment