Magandang gabi sa inyong lahat! Mayap a bengi kekongan! Maayong gabi sa inyong tanan!
Sila Jung Eui Chul (정의철) at Koo Hye Sun (구혜선) ng Boys Over Flowers (꽃보다 남자) yung nasa picture sa bandang taas. Pero hindi sila ang topic ko ngayon! Hindi ko na nga napapanood sila Geum Jan Di (금잔디) at Goo Jun Pyo (구준표) ng Huwebes at Friday dahil sa di-maiiwasang TCAP! Kung puwede lang akong mag-TCAP ng ibang oras eh! Imbey!
Anyway, for sure namang relevant sa topic name yung isusulat ko ngayon. Kahit na hindi pa ako nakaka-graduate sa Bachelor of Science in Nursing, ilalahad ko na ngayon kung ano nga ba ang matagal ko nang saloobin.
Para sa mga hindi pa nakaalam, graduating student na ako ng Our Lady of Fatima University. NCM 105 na ako at may TCAP review na kami. Somehow, marami naman akong natutunan sa mga naging professors ko. I must say, magaling magturo ang majority sa kanila at alam na alam na talagang pinaghandaan ang mga lessons nila. Kaya naman, maraming Fatimista ang nagta-top sa board exams.
Aminin ko, hindi ako ganoong kagalingan tulad ng mga nag-top sa board. Average student lang naman kasi ako eh. Pero masasabi kong kaya kong makipagsabayan sa mga pagbabago ng school environment. Lalo na't mas natuto ako sa mga naging pagkakamali ko lalo na noong umulit ako ng NCM 104. I guess I wasn't that worth to pass NCM 104 kaya ako naulit doon. But I had no regrets sa pag-retake ko nun. As the saying goes: EXPERIENCE IS THE BEST TEACHER. Yun nga lang, nakakahinayang sa gastos at panahon.
Kung tutuusin, graduate na sana ako ng March 2008. Nag-stop din kasi ako dahil sa galaw ng panahon at ng sosyo-ekonomiya ng bansa natin. Mapalad na nga yung mga nakapag-aral pa sa kolehiyo at saka nakapagtapos din. And hopefully, maka-graduate ako pati ng lahat ng ka-batch ko. At umaasa pa rin akong makikita ko ang mga mukha ng mga ka-batch ko kapag nakapag-board na kami at sabay-sabay kaming titili sa galak sa pagpasa namin sa board exams. Of course, fulfilling din ang matapos ko ang lahat ng mga nakaka-kamoteng pagsubok, gaya ng TCAP, Qualifying Exmas, at Board Exams. I'm sure, tutulong si Bro sa aming lahat. that is, kung manghihingi rin sila ng tulong at gabay kay Bro. Si Bro pa, sinasagot naman niya ang halos lahat ng dalangin ko sa kanya kahit na makasalanan akong tao.
Speaking of my career as a nursing student, this is the moment of truth. 99% akong desidido hindi ko ipu-pursue ang career ko as a nurse. Aaminin ko na rin, magte-take ako either BS Tourism or BS Foreign Language after ng board exams. First of all, maboka rin akong tao. Very passionate pa akong matuto ng foreign languages like Spanish, French, Italian, Japanese, Korean, Mandarin, Greek, Latin, and even the oldest living Indo-European language, Sanskrit. I would like to become a tourist guide para maipakita ko sa ibang turista ang kagandahan ng Pilipinas.
Ayaw ko na ring magpakaplastik sa sarili ko at sa iba. Hindi ko rin kasi gustong nagpapakapuyat sa pag-aaral ng mga aralin sa nursing. Ngunit yun ang dapat dahil nagpakahirap rin para sa akin yung mudra ko na igapang ako, makatapos lang ako ng pag-aaral. Lalo na't marami ka dapat kakabisaduhing mga termino at dapat mo ring unawaing mabuti yung mga hospital settings at nurse-patient situations. Dahil kahit na munting pagkakamali lang as posibleng lumaki ang problema. Sa walang sawang NCP at paghahanap ng mga cases na ipapasa mo sa PRC. Talaga namang bonggang bongga ang pressure sa akin pati na rin sa mga estudyante!
But guess what? Mas marami akong natutunan sa mga hospital duties ko. Dahil Pilipino nga ako, mas napahalagahan ko ang paghawak sa diwa ng TENDER LOVING CARE. Kaya naman, in demand ang mga Pilipino sa ibang bansa dahil sa basic value na hawak ng mga Pilipino. Mas na-appreciate ko rin ang pagiging mapagmahal sa mga pasyente kahit na hindi naman sila kaano-ano. Dahil kapag minahal mo sila, maganda rin ang balik sa iyo. After all, that's the law of KARMA (कर्म): kung ano ang ginawa mo para sa iba ay napakalaki ng posibilidad na ganoon din ang babalik sa iyo, at posible ring doble pa.
But what if sa 1% din ang bagsak ko? Kaya nga mas dapat ko pa ring pag-igihan ko. Gaya na lang ng isang taong napakalapit sa akin na nasabi rin sa akin na pinagsisisihan niya ang pagkuha sa nursing. Pero ano ang nangyari? Bumili pa siya ng reviewer ng NCLEX dahil sinabi rin niyang makakaunlad lang ang nursing lalo na kung sa ibang bansa ka pa makakapagtrabaho. Ang sa akin lang, malaki nga ang sweldo ng isang nurse sa ibang bansa, pero ie-enjoy ko naman ba yun lalo na't may mas nais akong kurso at propesyon?
Anyway, that's for now. Baka may mailahad pa ako after ng graduation at board exams. Ciao!