Wednesday 22 July 2009

WORKING STUDENT

Bună seara!

Guess what? Kagabi pa ako isang ganap na working student! It's so obvious na malaking hamon na naman ito sa akin. Pagsabayan ko ba daw kasi ang pag-aaral sa trabaho! Pero at least, nakahanap na ako ng mga strategies para maka-cope up ako with my stress.

Pangalawang gabi ko na nga pala sa trabaho ko. At dito ako mismo sa kumpanya ko ginagawa itong blog entry ko. Bongga diba? Kaya nga lang, very limited ang access ng network connection dito. Kaya naman hindi ko mabuksan ang mga accounts ko sa Friendster, Facebook, at Multiply, pati na rin yung MySpace.

At alam niyo kung ano ang pinaka-bongga? May 4 subjects ako sa lecture ng NCM 105 at may TCAP review pa ako! Plus, ang bonggang-bonggang call centre! Sino ba naman ang mag-aakalang 100% akong determinadong i-pursue ang schooling at work lalo na't may review ako!

Now let me share you another story na related naman sa entrado kong ito. Kagabi nga nagsimula ang training ko dito sa call centre. Natapos kami ng 7:00 AM at tinangka kong habulin ang oras ko papuntang school. Imagine, dala ko na rin yung school uniform ko at dito na rin ako nagpalit ng damit kaninang umaga.

Around 8:30 AM na ako nakaabot sa eskwela. At ang ginawa namin kanina ay MID-TERM EXAMINATIONS sa MS 3 at SEMINAR! Partida pa yun dahil wala pa ako gaanong review sa MS 3 at hindi ko pa nakita yung mga dapat kong rebyuhin sa Seminar. But guess what? Halos napakadali ng karamihan sa mga questions sa MS 3 at Seminar! Hmm, ano kaya ang mangyayari sa akin?

Anyway, ang alam ko lang ay napakabait sa akin ni Bro. Dahil hindi naman ako nagmukhang haggard hindi tulad noong time na may mga hospital duties ako. Pero sana, marami akong mabawing tulog at magkaroon pa ako ng time para makapag-advance review sa lahat ng subjects ko. In less than 7 weeks, final exams na namin sa NCM 105 at pati na rin sa TCAP. May Lord guide me always, Amen.

No comments: