Dear heart...
Ikaw raw ay batang-bata pa...
At hindi mo pa kayang mag-isa...
Sa bawat kaba, alam nang yun lang...
Ang pag-ibig mo'y nadarama...
Ngunit ang tanong ay... umibig ka rin ba sa akin? Asa pa akong iibig ka rin sa akin. Eh pihikan ka rin diba? At malamang, sabihan mo pa ako na hindi tayo talo. Ano nga ba ang mayroon sa iyo?
Naaalala ko noong una kitang nakita, para ka lang hangin sa akin. Kung tutuusin, nagkaroon pa nga ako ng paghanga sa isa sa mga kaibigan mo. Hanggang sa nawala yun. At sa iyo na nakatoon ang atensyon ko. Ano nga ba ang mayroon sa iyo?
Dumating ang mga araw, napagtanto ko na rin sa sarili ko na nahulog na rin ako sa iyo. Alam kong hindi pa rin kita lubusang kilala hanggang ngayon kahit na abot-kamay na rin kita. At kahit na ganoon na nga, parang napakalayo pa rin natin sa isa't isa. Ano nga ba ang mayroon sa iyo?
Hindi ko nga rin alam kung kaibigan din ang turing mo sa akin. Ngunit ang magagawa ko na lang ay magpasalamat sa iyo dahil nakasama rin kita at naging mabait ka rin sa akin.
ANO NGA BA ANG MAYROON SA IYO?
【年明けから丁寧に】
-
【新春振る舞酒】2025年の仕事初めは、1月2日にひろめ市場で開催された、新春振る舞酒イベントに出席しました。ひろめカンパニー西岡社長、桑名市長、菊地さんとパチリ。
【松山旅行】年末は、家族で沖縄3離島巡りを計画しておりましたが、出発当日早朝に発熱。飛行機・フェリー・タクシー・ホテル・アクティビティ、全てキャン...
2 days ago
No comments:
Post a Comment