Saturday, 18 September 2010

Mapaglarong Tadhana

Good evening folks!

It's already Autumn in northern hemisphere whereas it's spring in southern hemisphere. Ang bilis talaga tumakbo ng panahon. Naaalala ko pa noong bago pa lang ako sa pagba-blog. At heto, I have a lot of entries here. Halo-halong kwento, awit, at kung ano-ano pa. Aside from my diary, naging takbuhan ko itong blog ko sa ano mang kalagayan ng damdamin ko.

It's so funny how destiny moves. Eh paano, mayroon kang inaasahang isang bagay, pero hindi naman dumarating sa iyo. Ngunit isang araw na lang, habang nakalutang sa kawalan ang isip mo, basta na lang mangyayari yung bagay na nais mong mangyari noon. Minsan, may nagdidikta sa iyo mula sa kawalan na dapat mo nang gawin ang isang bagay habang mayroon pang pagkakataon. So hence, destiny is a matter of chance and choice.

I'll give you my first example. May nagbukas noon na supermarket sa Monumento, at saka naalala ko na magsho-show doon ang friend kong si Roxanne Guinoo. Bale matagal ko na rin siyang hindi nakikita noong time na yun. At nagkita rin kami doon. By the way, she just gave birth like few days ago, at nagkita naman kami bago sila nag-discharge from the hospital. Congratulations to her!

Another example is about my admittance to Coro de San Lorenzo. Noong member pa ako ng Living Hope Chorale, aware na rin ako sa existence ng Coro de San Lorenzo. But I saw something mystical about their choir group. Magaan talaga ang loob ko everytime I see them. Kaya noong umalis ako sa Living Hope Chorale at nagkaroon ako ng pagkakataong makausap sila ay ginawa ko na. At ngayon, mas magaan na ang loob ko sa paglilingkod sa Kaitaasan.

And my last example is about sa pagmi-meet namin ng super idol kong si Vincent Bueno. Ever since na ipinalabas si Vincent Bueno sa TV tungkol sa pagkapanalo niya sa Musical! Die Show ay agad na akong nagkaroon ng paghanga sa kanya. Siya rin ang naging inspirasyon ko sa tuwing kakanta ako sa simbahan. And he's so very talented. That's why I confess, naiinggit din ako sa kanya. But of course, hindi naman ibig sabihin nun ay may sama ako ng loob sa kanya. Kaya siguro nagtagpo kami ni kuya Vincent nang hindi inaasahan. Wala akong kamalay-malay nun na naroon pala siya. At noong mga oras na nag-uusap na kami ni Kuya Vincent ay apaw-apaw ang saya ko. Imagine, I was beside with an Austrian star talking and eating with him during that time!

Iba talaga maglaro ang tadhana diba? But beware: hindi rin minsan maganda magbiro ang tadhana. For destiny could either bring us happiness or sorrow. But for the meantime, puro naman kasayahan ang dulot sa akin. For I know that God is the Supreme Controller of Destiny. Kaya malaki ang utang na loob ko kay God dahil alam kong mahal na mahal niya ako despite of my countless sins. Kaya handa rin ako kung may malas mang darating sa akin, na alam kong darating at darating rin. Pero sa kabila pa rin nun, I cherish every happy moment na tinatamasa ko. THANK YOU GOD!

No comments: