Sunday, 14 June 2009

もしここにいる - 만약 여기에있다

おはようございます。 안녕하세요.

Thank God dahil nakagising ako. Sana ay maayos naman akong makapag-serve sa simbahan mamaya as a choir member. At least, nama-manage kong makapagsilbi sa 2 simbahan (medyo palyado na nga lang sa isa kong simbahan). Ako rin kasi ang gumawa ng justification doon.

And now, nararamdaman ko uli yung mga ilang pangyayari kahapon. Ganoon pa rin marahil kalakas ang impact sa akin dala ng mga alaala ng nakaraan. Ang dating masaya na bigla na lang naging uri ng palamigan.

Malakas rin kasi yung pakiramdam kong unti-unti na rin siyang gumagawa ng paraan para magkaayos na kami, at para na rin maibalik yung saya ng pagkakaibigan namin. Aaminin ko, napakalaki ng panghihinayang kong nawala na lang basta ang nabuong pagkakaibigan sa amin.

Perhaps, ganoon nga kahalaga sa akin ang magkaroon ng isang kaibigan, lalo na yung taong tinutukoy ko. As the saying goes: "No man is an island." That's why I'm still searching for true persons for true friendship.

I could remember the time na bigla na lang ako kinausap sa isang himpilan at doon na rin nagsimula ang masaya naming pagkakaibigan. Salamat na rin sa matalik kong kaibigan at sa isa rin naming kaibigan. At may mga moments din na may kaunting tampuhan pero magkakaayos uli.

Ako na rin marahil ang mali. Iba rin kasi ang daloy ng pagkatao ko. Moody na nga, may sarili pang mundo at short-tempered pa. Mabuti pa yung matalik kong kaibigan, kasundong kasundo niya yung taong tinutukoy ko to the point na diretso pa minsan sa bahay ng bestfriend ko yung taong yun para lang tumambay at makipagkwentuhan. Kung sa bagay, ayaw ni madirdaks na may bisita sa aming balur.

Anyway, I could still remember yung time na pumunta kami ng taong iyon sa isang liwasan kasama yung mga matatalik naming kaibigan. It was the first time na nakasama ko siya. Such an unforgettable experience that will forever linger in my heart and mind.

Hanggang sa mga sunod-sunod na ang mga pangyayari na unti-unti na ring nawawala yung diwa ng pagkakaibigan namin. Ako na nga rin yung mali. At nahihiya akong ihayag dito yung ilan sa mga pangyayaring yun. Aaminin ko na ring duwag at hambog ako.

But then, napagtanto ko sa sarili ko na dapat ko rin minsan tanggalin ang aking kapalaluan sa sarili ko. Alam na alam kong ang pride ko ang mismong makasisira sa akin. If only I could say the words as: "I am sorry for what I have done."

Thanks to BoA, her songs comfort me especially the one that I have embedded here. Her mellow voice says that she's the most humble person ever. How I wish, she'll be one of my bestfriends ever.

If only that person is here beside me. How I wish, napatawad na niya ako sa pagkakamaling naipatanaw ko sa kanya. Pagod na rin akong tumangis simula pa kanina.

If only you are here...


BoA - 오늘 그댈 본다면 (If You Were Here)

No comments: