Saturday, 13 June 2009

Yesterday's 111th Independence Anniversary

Good afternoon!

Yesterday is Philippines' 111th Independence Anniversary. What is so special? It's all about freedom of our insular country from any ruling entity.

Oo nga pala, Wikang Filipino ang dapat kong gamitin! Puwede rin ba rito ang Kapampangan?

Anyway, kakabasa ko lang ng blog ni "Melting Pen" (hulaan niyo kung sino siya). More on politics din ang mga blog entries niya. Talagang makikita sa kanya ang pagiging nasyonalistiko (o mapagmahal sa bayan). Ganoon din ako dahil ang Pilipinas ang kumupkop at tumulong sa akin upang maging malakas at kapaki-pakinabang. O diba, mukhang pamilyar ang mga nasabi ko! Wari mang iniirog ko rin ang mga bansang Hapon, Korea (mapa-hilaga man o timog), Espanya, at Pransya.

Speaking of those countries ang nabanggit ko, dalawa doon ang sumakop na sa Pilipinas. Hindi naman siguro mali ang ibigin ko rin ang dalawa sa mga nanakop sa Pilipinas. After all, nakaraan na yung ginawa ng pananakop nila, at hindi kasalanan ng mga pinuno at ibang tagapamahala ang pagsakop ng kanilang mga ninuno sa Pilipinas.

Anyway, naniniwala ako na sa sarili kong paraan ay makakatulong ako sa pag-unlad ng ating bansa. Nagsisimula iyon sa loob ng tahanan. Sa tahanan kasi tayo hinuhubog ng magandang asal through our parents (at least nabuhay ako kahit na walang nakagisnang ama). At dahil dala nga natin ang magandang asal, sasalaminin ng asal natin ang pakikitungo sa iba.

I know there are several ways of showing love to our country. Kung maaalala niyo, malapit na ang eleksyon. For sure, aware na tayo sa mga kaganapan sa ating pulitiko. I still believe in the righteousness of the Filipino Youth - to speak and act for the truth.

AKO ANG SIMULA! AKO MISMO!

No comments: