Saturday, 26 September 2009

ONDOY

Good evening.

Grabe ang naging experience ko noong kasagsagan ng bagyong Ondoy sa Kalakhang Maynila! Bonggang bongga akong stranded sa Fatima!

Anyway, ganito kasi ang nangyari. I was inside our school campus when it was raining hard. Inaayos ko na kasi yung mga requirements ko sa school dahil I will graduate na by October 11. But for sure ay iuurong ang petsa ng graduation namin dahil sa bagyo. By the way, I just can't believe hanggang nagyon na makaka-graduate ako! Biruin ba naman, bagsak ako sa TCAP at nag-first removal exam ako. Kanina ko lang nalaman na pasado ako ng 1st removal pati na rin sa lahat ng mga lectures ko! Ang bait nga naman talaga ni Bro sa akin. AMOY TOGA NA NGA AKO!

Pero sa nangyari kahapon, iisipin pa ba ng iba na hindi tayo pinabayaan ni Bro? Ah basta!

Buti na lang at may nakilala akong mga bagong kakulitan. Sila Miss "C" na super demure, si Mister "N" na over sa kakulitan, at si Mister "J" na super sa sex appeal pero serious guy naman pala.

Medyo matagal din kaming nagkukulitan sa isang tindahan sa tabi ng school namin, na waring kasama din namin yung long-time classmate ko noong elementary, his girlfriend at pati yung classmate niya na naging ka-close ko na rin. Hanggang sa umalis na rin yung tatlong yun ng bandang mid-afternoon. Then another kulitan na naman kayla "C", "N", at "J". Naramdaman ko na ring noong time na yun na uwing uwi na ako dahil ramdam ko na ring super alala na rin sa akin si inang mudra.

Hanggang sa sinubukan kong lumusong sa baha. Sa una, hanggang baywang ko lang. Assume ko ring hanggang baywang ko lang sa bandang BBB. Sa daanan ko ay puro lubog na sasakyan at mga stranded na tao. Papunta pa rin ako sa BBB hanggang sa nasa leeg ko na ang antas ng tubig! At lubog na rin sa danum ang kabuuan ng 7-Eleven at ng Jollibee! Kaya naman dagli akong bumalik sa tindahan!

Sa tindahan, super kadiri ang itsura ko! Nagbabad ba daw ako sa tubig-baha eh! Pero super bait naman ni Kuya "R" (na may-ari ng tindahan dahil pinayagan naman niya akong maligo at isampay muna yung nababad kong kadamitan. At may isang nagmagandang-loob sa akin na nagpahiram ng damit niya. Subalit sobra naman sa kalakihan ng damit at sobra sa kaluwagan ang short! Anyway, dedma lang dahil wala nga naman akong maisusuot kung ganun lang.

Then kumain muna kami ng pancit canton na libre ni "N". Napagtanto ko ring may baon akong fried chicken! Pero sabi ni "C" na saka ko na lang kainin yun. Hanggang sa nag-text ang kaibigan ni "J" na doon muna sila sa dorm. Pero nakaligtaan akong ipaalam ni "J" sa kaibigan niyang si Miss "E". Hanggang sa pumayag naman si "E" na tumuloy na rin ako doon.

Hinatid ko muna yung tatlo sa dorm ni "E" at nagpalipas muna ako doon. Then kinuha ko na rin yung mga gamit ko kayla Kuya "R" at nagpasalamat. Kaunting kulitan at kwentuhan sa dorm hanggang sa nag-dinner na kami. Pahupa na rin ang baha nang naghahanap kami ng makakainan. In fairness, dala-dala ko yung baunan ko. Nakakahiya na rin kasing magpalibre sa tatlo na lalu na't bago ko pa lang sila nakilala.

Sa dorm naman ay madilim at nagsalok si "E" ng tubig kasama si "N" at ang friend nilang si "JJ". Halos hatinggabi na rin nang matanggap ni mommy na nasa dorm ako. Alalang alala na rin siya nun. Umalis pa pati si "N" dahil nasa bandang kuwan daw ang brother niya.

It was almost 3:00 AM at lumabas muna kami nina "J" at "E" para pumunta sa 7-Eleven Tamaraw. Bumili muna sila ng energy drinks dahil super kwentuhan sila about love life. Pero anyway, hindi naman ako nakakarelate sa kanila dahil hindi pa naman ako pumasok sa isang napakaseryosong relasyon. Pero nakatulog na rin ako nun.

It was already 8:00 AM nang magising ako. Lumabas muna kami nina "J" at "C" dahil mag-lulugaw muna sila habang tinignan ko muna ang MacArthur highway. Through heaven's mercy humupa na rin ang baha, except sa mga nagkandakalat na basurahan at mga inabandonang sasakyan sa kahabaan ng MacArthur. Afterwards ay dagli na rin kaming nagsiuwian. Nagpasalamat kami nang lubos kay "E" sa pagpapatuloy sa amin.

Guess what? Naglakad lang ako noong umuwi ako. Medyo nanghihina rin ako dahil hindi rin ako nakakain nang marami. At nang dumaan ako sa BBB ay super catastrophic effect ang mga eksena doon gaya ng pagkakalubog ng dalawang bangko doon pati na rin ng 7-Eleven BBB at ng Jollibee. Sayang talaga! Kaya nga super lafang ako nang nakauwi ako eh. Thanks sa mga nakilala ko. And thanks God because I'm safe.

No comments: