Wednesday 30 June 2010

Hail to the President!

Mga kababayan ko...



Narito na po ang ika-15 pangulo ng Republika ng Pilipinas... ang unang anak ng yumaong dating pangulo na si Corazon Cojuangco Aquino... na kilala rin nating "Noynoy" at ngayon din ay "P-Noy"... PANGULONG BENIGNO SIMEON CONJUANGCO AQUINO III.

Nawa po ay tuparin niya ang pangakong dalhin niya tayong mga Pilipino tungo sa tuwid na daanan ng kaunlaran at kapayapaan.

Nais ko na rin pong magbahagi ng ilang bagay tungkol sa aking saloobin sa ating pangulo. Matagal na rin po namin siya ipinagdarasal ng aking ina na siya na po sana ang maging susunod na pangulo. Alam po natin kung ano po ang mga pinagdaanan nila Ginoong Ninoy Aquino at Ginang Cory Aquino. At naniniwala po akong ipagpapatuloy ni Pangulong Noynoy ang mga ipinaglalaban ng kanyang magulang.

Maging tuwid na po sana ang mga naging tagilid na bagay mula sa nakaraang administrasyon. May God help him. So will it be.

No comments: