Ang araw ay nagiging gabi...
Ang gabi ay nagiging araw...
Ganun talaga kapag nasa call centre ka. Buti na lang at madali lang sa akin ang makapag-adjust sa usual time scheme ng working hours sa call centre.
Mataas kung mataas ang sweldo, lalo na kapag regular ka na at nakakatanggap ka pa ng maraming bonus batay sa performance, productivity, attendance, at iba pa. Kaya nga marami ang mga na-eengganyong mag-trabaho sa ganung uri ng industriya.
Ang malungkot nga lang... halos wala nang oras ang karamihan sa amin para sa sarili. Good thing, and I'm still single, kaya wala ako gaanong iniintindi pa. Ang kaso naman sa mga may pamilya na, kailangan pa nilang asikasuhin ang mga asawa't anak nila. Kung sa bagay, hindi pa naman sumasagi sa isip ko na magkaroon na rin ng sariling pamilya. It's just that I still enjoy my life bilang bata at single.
At ang mas nakakalungkot pa... hindi ko na rin nagagawa yung mga nakagisnan kong gawin noong hindi pa ako nagta-trabaho. Pero ganun talaga ang buhay -- it just goes on and on. And I have to face the fact that I'm the stage of real adulthood. Pero aaminin ko, mahirap pa rin sa akin na bitawan ang buhay-kabataan.
Ang maganda nga lang, may kakayahan din akong sustentuhan ang sarili ko at kaya ko pang makatulong sa iba lalo na sa mga kamag-anak ko. Masarap din kasing tumutulong din ako sa iba. Pero siyempre, dapat din akong magtira sa sarili ko.
Hanggang dito na muna. At sana ay lumisan na rin si Bagyong Juan sa bansang ito. Maraming kabuhayan ang nasalanta at may mga naibuwis na ring buhay sa mga sandaling ito. Ngunit hindi pa rin nawawala ang pananampalataya ko sa Dakilang Tagapaglikha. Nawa'y gabayan tayong lahat. At sana, maging matiwasay din ang trabaho ko sa call center.
【9月総括】
-
【ごめん・なはり線】10月3日(金)からJR四国「志国土佐
時代トキの夜明けのものがたり」土佐くろしお鉄道「ごめん・なはり線」の運行が開始されるにあたり、9月初旬、先だって布師田車両基地で開かれた特別試食会に参加いたしました。
【OMO7高知 by 星野リゾート監修による新メニュー】 【綺麗】 【可愛い】 【...
3 days ago
No comments:
Post a Comment