Thursday, 25 August 2011

ELEMENTARY MEMORIES

GRADE 1 - MAUNAWAIN (Ms. Babiet Mabborang)
Naalala ko yung dalawang sili na nilagay sa upper right ng blackboard para ipahid sa mga maiingay. At sa mga nakakakita ng maliit na pilat sa pisngi ko, si J.A.T. ang may gawa nun. Do you know why? Pinautos yun ng maganda naming class adviser nung nag-away kami nun. Ang gandang halimbawa ng propesora naming ugok diba?

GRADE 2 - SAINT THOMAS (MRS. SUSANA GANIBO)
Naalala ko nung nagagalit sa akin yung class adviser ko kapag sinusumbong ko yung mga nang-aaway sa akin noon. Ang husay ko raw magsumbong eh! Ang ganda rin niyang adviser! At eto pa, nag-emote dati yung Language Teacher kong si Mrs. Chona Aquino dahil lang sa isang papel na hinihingi niya sa akin, at kesyo may nasabi raw akong hindi maayos! Ang sarap niyang sampalin promise! At nung naka-graduate na nga ako, nakuha pa niya akong pagalitan noong may sinisilip ako sa computer room para dalawin yung mga naging teacher ko sa Computer... HAYOP SIYA! Pero anyway, masasabi ko namang considerable naman ang aking academic progress.

GRADE 3 - SAINT AUGUSTINE (Ms. Myla Luz "Miles" Peñaflor)
Kung ikukumpara ang naging overall grades ko noong grade 3 sa ibang overall grades ko ng bawat grade level ko, masasabi kong pinakamataas na yun. Hindi ko rin alam pero ito yung year level ko na may sobra akong gana sa pag-aral. I must say, sunod-sunod akong perfect sa mga quizzes at periodical exams ko sa subject kong computer noong second quarter. Kasi, nagsimula kami ng computer activities noong second quarter, at Computer nga ang naging favourite subject ko. Dito sa grade level na ito ako nag-first communion noong December 06, 1996.

GRADE 4 - SAINT PAUL (Ms. Judith Sanguyo)
Masasabi kong eto yung pinakamasaya kong year level. So far, isa pa rin ako sa mga pinakamagaling sa academics. Doon ko na rin na-develop yung pakikihalubilo sa ibang tao, although malakas pa rin sa akin ang diwa ng isang munting bata. Dito rin sumikat yung mga favourite kong artists na Hansons, Spice Girls, Aqua, and 911 na lalo pang nagpasaya sa akin.

GRADE 5 - JOY (Ms. Elenita Cabañero)
Medyo maturity na rin ang naging experience ko sa level na ito. Dito kasi mas namulat ang mura kong kaisipan, at dito ko rin naisipang sumali ng Glee Club. And sad to say, nag-deterioriate yung mga grades ko nun. Naalala ko pa yung adviser namin na namamalo ng walis tambo kapag nagagalit sa aming mga pasaway! Wahahahahahahaha!

GRADE 6 - JOSHUA (Ms. Sylvia Elli)
"Teacher, I want ZERO!" -- yun yung linyang pinapasabi sa amin ng class adviser namin kapag hindi kami nakakagawa ng weekly assignment namin tungkol sa gospel ng Sunday Mass at kung ano yung message ng gospel para sa amin. Ito rin yung level na kung saan kinikilala ko na ang aking sarili. Doon din ako nakaramdam ng confusion sa sarili ko kung ano ba talaga ang binubulong ng id at superego ko.

No comments: