REAL NAME: John Ross Sanchez Gamboa
BIRTHDATE: November 28, 1984
BIRTHPLACE: Daet, Camarines Norte
LANGUAGES: Tagalog, Bicol Central, English
Ah, si Joross ba? Hindi ko nga alam kung paano kami nagkakilala nito eh! Hehehe, joke lang Kuya!
Ewan ko ba kung tanda pa niya yung eksenang binibiro niya ako sa isang studio kung saan sila may pictorials nina Ate Rox. Then kumana si ate ng "Nasa AUSTRIA daw kung wari... kapag tumatawag sa phone, number 2 yung area code na lumalabas!"
Kailan nga ba kami huling nagkita nitong mokong na ito... ah tama! Doon sa toilet ng Marikina Riverbank mall noong nagkita kami doon sabay sinabing: " Ang laki ng pinayat mo ah!"
Sabi niya sa profile niya sa Friendster:
I stand 5'9....kapag tumingkayad 6'1......
138lbs.....kapag d naligo 140lbs....
hahahahakhakkakhh...ehem! sori nasamid ako, san naba tayo
ahh....light complexion, PINAGHALOHALONG
Spanish,Bicolano,Batangenyo na maloko!
umm...always ...............................................Talagang kalog nga itong mokong na ito!!! Hahaha!!! Peace tayo!!!
Bueno, seryoso na ito. Na-miss ko rin itong si Kuya. Our friendship dates back noong bagong usbong ng Star Circle Quest noong tag-init ng 2004. Tama, sa MORNING GIRLS WITH KRIS AND KORINA niya ako nakilala dahil sa pagiging eksenador ko! Perhaps, na-weirduhan sa akin si Kuya pati yung iba lalo na si Ate Rox nung nasa show ako!
It went like this.
Dapat sana ay friendship ang ie-establish ko sa Star Circle questors. It so happened na napunta sa sa JoRox fans club. I had no choice that time dahil yun lang ang alam ko para magkaroon ako ng ugnayan sa kanila, lalo na kela Ate Rox at Kuya Joross. Sa Morning Girls kasi, may isang staff na nag-provide sa amin ng isang index card kung saan doon namin isusulat yung mga greetings namin sa kanila. At dahil kasama ko ang mga maka-JoRox ay napa-isip ako kung ano ba ang dapat kong isulat na lagi nila akong maaalala. At pumasok bigla sa isip kong Espanyol ang gamitin ko. Hindi ko rin kasi expect na babasahin pala yun nila Kris Aquino at Korina Sanchez yung mga greetings namin. Dapat nga sana ay magsusulat din ako sa isang index card para kay Sandara Park (since medyo idol ko rin siya nun) na Koreano ang greeting at nakasulat pa sa Hangul.
At noong binasa na nga nila Kris Aquino at Korina Sanchez ang mga greetings namin ay nakita nga nila ang greeting ko - en IDIOMA CASTELLANO. At talagang na-aning ako dahil hinanap pa ako ng dalawang host dahil doon. At doon na nga ako nakilala nila Kuya Joross at Ate Rox! At nakalimutan ko pa palang pinili pa ako ng isang staff na magtanong kung wari sa question portion. At nang ako na nga ang magtatanong... TODONG KAPIT AKO SA MICROPHONE KO! Dahil talagang nakita na ako nila Kris at Korina nang harap-harapan pati na rin ng mga questors! Pero siyempre, todong poise pa rin ang ipinakita ko sa kanila dahil super-duper exposure ako sa mga camera at isasa-himpapawid ang episode na yun!
After ng taping ng episode, nakalusot ako sa mga guards papunta sa dressing nila. At nakita ako ni Hero Angeles na nakilala naman ako sa mukha at sa pangalan kong "JEREMY". At nadatnan din ako sa labas ni Ate Rox na sabay sabing: "Uy Jeremy, ang galing ha! Hanga ako sa iyo!"
Teka, hindi ba dapat patungkol kay Kuya Joross itong sinusulat ko? Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang dapat kong ilagay dito sa blog eh. Pero naalala ko pa yung time na nagkatampuhan kami dahil may nasabi ako. Pero OK na kami sa ngayon. Ako rin kasi ang unang nagpakumbaba at hindi ko rin siya natiis dahil idol ko siya. Ganoon ko rin siya ka-love as my own kuya. Pareho pa naman kaming November at malapit na rin ang kanyang 24th Birthday. Sana, magkaroon ako ng chance na magkita kami uli.
Ano ba yung hawak ni kuya sa larawan? Bat or Flying Fox?
No comments:
Post a Comment