Good evening!
Kakatapos ko lang sa caroling namin. Ngayon ko lang kasi naisaulo yung mga awit namin sa caroling. After all, 6 months pa lang ako sa aking paninilbihan sa pangkat ng Living Hope Chorale sa San Exequiel Moreno Parish.
Kanina nga pala ay ang 13th Paskong Paslit ng San Bartolome Parish, through the accomplishments of Parish Youth Council (na dating kilala bilang Parish Youth Ministry). Medyo hindi na rin ako gaanong active doon sa kadahilanang mas naging concentrated ako sa San Exequiel Parish. But it doesn't mean na tuluyan ko na ring bibitawan ang mga tungkulin ko doon as a Parish Youth Minister and Word Minister.
Sa Paskong Paslit kanina ay naging successful naman ang programme. Somehow, napasaya namin ang mga kabataang naroon. At naramdam nga nila ang diwa ng Pasko sa amin. At pagkatapos ng mahabang oras ng pagpapasaya sa mga bata ay nagsikainan din kami. Sayang dahil naubusan na ng mga kubyertos pati ng perro caliente para sa akin. And I had no choice kung hindi kamayin yung kanin na may masarap na inasal na manok. NAMIT GID!
Hindi pa rin natatapos ang kwento ko rito.
Nag-caroling pa kaming Living Hope Chorale sa mga kabahayan. Nitong Biyernes ng gabi ko lang sila nakasama dahil may preliminary exams kami sa eskwela nitong mga nakaraan. Grabe talaga dahil paos na ang tinig ko! Gawin ko ba daw contralto to the highest level ang boses ko eh! And in fairness, nakakaamoy ang grupo namin ng UMUUSBONG NA PAG-IBIG! Ganoon din sa Parish Youth Council. But of course, hindi ko na rin babanggitin kung sino sila ano! Anyway, all I know is that I am happy in committing myself in 2 churches in Malabon City - San Bartolome Parish and San Exequiel Moreno Parish.
Speaking of Holy Family Parish, talagang naka-plano na ang talagang pagbabalik ko doon. In the first place, iyon talaga ang simbahang una kong nilugod nang buong puso at isip. Ngunit nabitawan ko nga simula nang tumira na ako uli dito sa Malabon Lakanbalen. But as the saying goes: KUNG MAY NAIS AY MAY PARAAN, AT KUNG AYAW AY MAY DAHILAN.
Who knows? Tatlong simbahan na rin ang paglilingkuran ko! Bonggang bongga!
【年明けから丁寧に】
-
【新春振る舞酒】2025年の仕事初めは、1月2日にひろめ市場で開催された、新春振る舞酒イベントに出席しました。ひろめカンパニー西岡社長、桑名市長、菊地さんとパチリ。
【松山旅行】年末は、家族で沖縄3離島巡りを計画しておりましたが、出発当日早朝に発熱。飛行機・フェリー・タクシー・ホテル・アクティビティ、全てキャン...
2 days ago
No comments:
Post a Comment