Sunday, 10 May 2009

HFP-Knights of the Altar & SEMP-Living Hope Chorale

Good evening and happy mothers' evening!

Haist, kakatapos ko lang sa DotA. Talagang napagod ako kanina!

Kaninang tanghali ay super practice sa choir. At least, almost a year na akong member ng Living Hope Chorale.

Ngunit mas inintindi ko kanina yung pag-serve ko sa Holy Family Parish as an altar server. Sa HFP din akong nagsimula, although naging Religion Club member ako noong high school at nakapag-serve na rin ako sa misa ng school namin as lector/commentator.

Sa HFP, halos wala namang gaanong nagbago doon except sa ibang knights na bago pa lang sa paningin ko. As usual, buhay pa rin yung president namin. Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil pumayag siyang bumalik ako doon.

After sa HFP ay nagmadali naman ako sa SEMP para naman sa choir service ko. Akala ko nga ay uulan sa pagtakbo ko papunta doon dahil malakas yung ulan sa biyahe ko. Nawindang nga yung iba kong ka-choir dahil nakita nilang may dala ako ng sutana ko.

But guess what? HINANG-HINA ako. Hindi dahil sa dalawang simbahan na pinagsilbihan ko. In fact, masayang-masaya akong dalawang simbahan ang pinagsilbihan ko. Only few ones know why.

No comments: