Good morning!
In fairness huh, maganda na lagi ang gising ko. The first reason, I can feel na magiging maganda ang taon ko! The second, may bago na akong trabaho. And the last, but not the least, abot-kamay ko na ang taong hindi ko kailan man inisip na mapapalapit na rin sa akin!
Kahapon din nga ang first formal service ko sa bago kong choir group na Coro de San Lorenzo. At ayun, another sort of adjustment and pakikisama sa mga bago kong kasama, although may mga kakilala't kaibigan na ako sa kanila noong hindi pa nila ako kasapi. And guess what? Nakakapanibago rin sa voicing ng mga kantang inawit ko na rin sa Living Hope Chorale. Kinailangan ko talagang umayon sa voicing na ginagawa ng new group ko. But somehow, enjoy naman ako.
Speaking of Living Hope Chorale, inaamin kong nami-miss ko rin sila. Dahil sa haba ng panahong nakasama ko ang karamihan sa kanila, kinailangan ko pang uamlis sa kanila. Pero gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi ko kailan man puputulin ang ugnayan ko sa dati kong grupo.
Back to Coro, naging magaan naman agad ang loob ko sa iba sa kanila. Dito ko na rin siguro ilalahad ang saloobin ko tungkol sa Coro de San Lorenzo.
Sa Coro de San Lorenzo, may sistema ang pag-practice nila. Talagang matiyagang ipinapasanay ng choirmaster namin yung tamang voicing sa mga berso ng aawitin namin. Kung may kaunting pagkakamali, ipinapaulit ito nang ipinapaulit hanggang sa makuha ang tamang tono. Ganito nga ang hanap ko sa isang grupo - kapatiran sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Another thing, kung ano man ang naging problema ng isang ka-miyembro, gaya ng nasabi sa akin ng iba sa kanila, ay ginagawan agad ng solusyon as much as possible. Kung tutuusin nga, taga simbahang Katoliko kami at wala dapat alterkasyong nagyayari. Talagang damang-dama ko ang diwa ng brotherhood and sisterhood sa kanila. Perhaps, talagang hindi ko na pakakawalan ang Coro de San Lorenzo. Kung gagawin ko man yun, talagang masasabi ko na nga sa sarili ko na TANGA AT BOBO ako.
In fairness, ngayon lang ako nakapagsalita ng ganito sa isa kong grupo sa tanang buhay ko. Frankly speaking, I am very honoured na kasama ako ng choir group na tulad ng Coro de San Lorenzo.
O siya, bakit nga ba "MISJUDGMENT" ang pamagat ng blog ko? Akala ko kasi, mangyayari na naman sa akin yung isang bagay na nangyari sa akin almost 3 years ago na ang nakakalipas. Sana nga, hindi na nga yun mangyari. I've had enough with that, lalo na't maganda ang pasok ng taong 2010 sa akin.
And one more thing, dapat ko na ngang iabalanse ang takbo ng puso at isip ko, at hindi puro emosyon na sakop ng puso ko. Ayaw ko nang ma-depressed uli. Yun lang.
【年明けから丁寧に】
-
【新春振る舞酒】2025年の仕事初めは、1月2日にひろめ市場で開催された、新春振る舞酒イベントに出席しました。ひろめカンパニー西岡社長、桑名市長、菊地さんとパチリ。
【松山旅行】年末は、家族で沖縄3離島巡りを計画しておりましたが、出発当日早朝に発熱。飛行機・フェリー・タクシー・ホテル・アクティビティ、全てキャン...
2 days ago
No comments:
Post a Comment