Good afternoon.
Nakipaglibing nga pala ako kahapon kasama yung mga naulila kong malalapit na kaibigan. Tatlo nga pala silang magkakapatid na kasalukuyan nang uli sa kanilang mga magulang. Ngunit umaasa pa rin akong malalampasan nila ang pagsubok nila.
Buti na lang at college graduate na yung panganay sa kanila, at kasalukuyan namang graduating student ang sumunod sa kanila. At nasa second year level ang bunso nila. Sana naman ay matulungan kong makahanap ng trabaho ang panganay sa kanila.
Bale ilang gabi rin akong pumupunta sa burol nila para makiramay at tumulong sa kanila. Maswerte rin ang mga kaibigan ko dahil mayroon silang mga tapat na kaibigan na tumulong sa kanila simula ng burol hanggang sa libing. Pupunta nga ako sa kanila mamaya pagkatapos nito.
Ayaw ko munang isipin ang mga nakakalungkot na bagay. Gaya ng kasabihan: "One must move, for the show must go on."
Anyway, magkukwento naman ako ng medyo nakakayamot na nakakatawang pangyayari. Noong huling lamay ay sumama ako sa grupo ng kalalakihan, bagay na kaibigan at kakilala ko sila, para magalaro ng sikat na sikat na larong DOTA.
ONE, TWO, THREE, ONE... ONE, TWO, THREE, TWO... ONE, TWO, THREE, THREE... sigaw ng ilan sa mga kasama ko na nangti-trip habang naghahanap kami ng bukas na computer shop. Halos ala-una na ng madaling araw nun nang biglang may mga humarang na barangay tanod at nag-uusisa kung sino at bakit may sumisigaw. Tama ba raw na mapagkamalan kaming mga MENOR DE EDAD?! Sabay pinasakay kami sa patrol shuttle at dinala kaming sampu sa NBBS Police HQ sa Navotas.
Nagpaliwanag lang kami sandali sa himpilan at nilinaw naming wala kaming masamang intensyon at naghahanap kami ng bukas na computer shop. Shitty ass, ibinalik uli kami kung saan kami hinuli.
Kahit na naglalaro na kami ng DOTA, napakasariwa pa rin sa utak kong ang bagansyang nangyari sa amin! Paepal talaga yung mga tanod na yun, panira ng kasayahan!
【未来が過去を変える】
-
本市機構改革に伴い、地域活性推進課が地域コミュニティ推進課に移管されました。観光をきっかけとした移住促進などをめざす「文化観光スポーツ部」、公共交通など市政全般の機動的な推進を図る「政策企画部」が新設され、組織横断的に取り組んで参ります。
私は本市文化観光スポーツ部
移住・定住促進課に異動し、関係人口創出...
3 days ago
No comments:
Post a Comment