Friday, 19 February 2010

日和見主義 - 기회주의자

HYORI-MISHUGI
GIHOEJU'EUIJA

What is an OPPORTUNISM?

OPPORTUNISM is the conscious policy and practice of taking selfish advantage of circumstances, with little regard for principles.

Ah kung ganoon, yun ba yung mga taong MAPAGSAMANTALA sa mga taong may kahinaan? Ayaw ko pa naman ng ganung tao.

Let me give you an example. Marami na rin akong kilalang ganun, pero ito na ang malala. Eh paano, grabe na ang pagiging desperado sa buhay na tila wari wala na ngang darating sa buhay niya at kailangan pang gumamit ng dahas.

And before I continue, I would like to inform you that I am still observing "netiquette" for I will not mention any names on this blog of mine.

Hindi ko rin alam ang tumpak na kwento, pero mayroong dalawang magkaibigan na matagal nang maganda ang samahan. At nagkaroon ng kasintahan ang isa sa kanila ngunit sinulot ng kanyang kaibigan nang walang pakundangan. THE END.

Masyado rin kasing sensitibo ang ilan sa mga kwento. Pero ang masasabi ko lang...

HAYOP SIYA! PANGAHAS SIYA! MASYADO SIYANG NAGMAMALINIS!

Ang mga oportunista nga naman, pakalat-kalat lang kung saan-saan. At kanyo pa, pinapalabas ng kilala kong oportunista na napakaganda ng image niya, the mere fact na sobra na siya sa pagkabalahura at pagkabalasubas. At ngayon? Unti-unti nang inilalabas ng tadhana kung ano ang tunay niyang kulay.

At ano ang kulay niya? Daig pa ang colour black ng crayon, speaking of that person's heart and mind. Bakit kailangan pa niyang maglihim? At bakit kailangan pa niyang ipalabas sa ibang tao na malinis siyang tao?

Kung alam niyo lang, ayaw ko sana itong gawin. Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko sa taong ito at marami rin siyang naipakitang maganda sa akin. Ngunit dahil sa pinapakita niya sa akin, tuluyan na ngang nagbago ang tingin ko sa kanya. Inaasahan ko pa man ding ayos kami, pero nagmukha lang akong tanga. Grabe siya! At ang malala, nangdadamay pa siya ng mga taong walang kalaban-laban!

Marahil, ang prinsipyo niya ay "KUNG HINDI MADADAAN SA SANTONG DASALAN, IDAAN NA SA SANTONG PASPASAN."

No comments: