恭喜發財! 恭喜发财!
And there's more...
HAPPY VALENTINE'S DAY!
And...
HAPPY FEAST DAY TO HOLY FAMILY PARISH KAMIAS!
It's indeed a multi-celebration for this year! And guess it's also my first to celebrate 3 events in my life. For 22 years that I have been living in this twisted and turned world. Somehow, I am happy for this.
Speaking of the Chinese New Year, hindi pa ako nakakain ng tikoy. Medyo may kamahalan na rin kasi sa Ongpin nung pumunta ako roon noong huli. But who knows? Baka makakain ako mamaya! After all, the spirit of Asian in me is very strong.
Speaking of fiesta, ngayon lang uli ako makakapag-celebrate kasama ang mga knights. Nanawagan na nga ako sa Facebook kahapon na bumalik na sana yung ibang seniors para naman masaya ang service. In fairness, ang dami ko ngang actividades gaya ng sinabi sa akin ng kasama ko sa choir.
And speaking of Valentine's Celebration, kasama ko kagabi ang mga ka-choir ko sa pagharana sa mga iba naming kakilala. Of course, first time ko ring napasama sa pagharana. But guess what? Ang dami kong first time na na-encounter sa Coro de San Lorenzo. But of course, do I need to mention those? Ang masasabi ko lang ay malaking blessing sa akin na nakasama ko na ang choir group na katulad ng Coro de San Lorenzo.
And speaking of choir, I would to congratulate ang San Exequiel Grand Chorale sa pagkakapanalo nila sa choir competition. Taga Living Hope Chorale pa naman ang majority sa kanila. Kaya dito ko na lang ipagdiriwang ang tagumpay nila. I am so happy na nagkaroon na rin sila ng accomplishment. Sayang nga dahil hindi ako nakapunta kahapon due to some inevitable circumstances.
And speaking of Valentine's... talaga nga bang 0% ang love life ko ngayon? Siguro naman, hindi naman kailangan ng may ka-on para mo masabing napakaganda ng Valentine Celebration. Gaya ng nangyari sa akin, napakaganda ng pasok ng taon sa akin. Sabihin na nating may mga ilang sablay, mapalad pa rin akong nakakangiti at nakakatawa pa rin ako. At sabihin na rin nating may mapait din akong nakaraan, inilaan na siguro ng tadhana na magiging masaya ako. Let me share this to you now.
Sa una, inakala kong matutulad na naman ito sa nakaraan ko. Ngunit hindi ko rin inasahaan na maganda rin naman pala ang magiging daloy. Ang mahalaga lang, dapat din akong umayon sa daloy para maging maayos. Kung tutuusin, higit pa sa inasahan ko yung kasayahang naramdaman ko. Kaya I would like to thank heavens for making me happy.
"Era mi primera cena... y estaba muy feliz... muchas gracias..."
No comments:
Post a Comment