Monday, 21 December 2009

After Almost 5 Years... AGAIN AND AGAIN!

Good evening!



Si Jung Eui Chul (정의철) yung larawan na nasa itaas. Hmm, nasaan kaya siya nito? Nasa isang okasyon kaya siya? Anyway, hindi siya ang topic ko ngayon!

Haist, kakatapos lang naming mag-caroling sa mga bahay-bahay ng ilan kong ka-choir. In fairness, masarap naman yung "dried sopas" na kinain namin na niluto ng isa naming soprano. Yun nga lang, nilait-lait ng iba kong ka-choir. Was it her fault kung naging ganun yung sopas? Hindi naman, diba? At napansin ko lang, iinit at lalamig ang panahon. Kung sa bagay, epekto ng global warming. At ngayon naman, ang init-init!

In fairness, it's almost 5 years since I first fell in true love. Ang corny noh, dahil ganito na lang lagi ang topic ko sa blog na ito. Dito lang kasi ako mas nakakapaglabas ng damdamin ko. At eto, halos parang ganito na naman ang eksena.

Nagsimula sa walang kiber. Pero ayun, natamaan na lang nang basta. Sa una, paghanga lang ang nadarama sa taong yun. Ngunit hindi naglaon, ayun na nga't napagtantong nahulog na lang. Walang ibang ginagawa. Ni hindi man lang nakikipag-usap. Pero ano ang nagawa niya at ganun na naman ang nangyari sa akin?

Pero napansin ko, napapasulyap na rin siya sa akin nang hindi ko mawari. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga titig niya sa akin? In the first, ayaw kong bigyan na lang ng kahulugan yung mga ganung simpleng tanaw. Pero bakit parang kakaiba?

Speaking of my letter that I wrote for that person somewhere, nabatid na niya kayang para sa kanya yun? Imagine kasi, halos hawig ng pangalan niya yung Korean name na nilagay ko sa sulat. Supposedly, isang palaisipan sa lahat kung sino ang naglalang ng sulat at kung para kanino yung sulat.

Ahahay, kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip ko. Baliw na nga ako!



Sana ay magkaroon na ako ng trabaho by January. Miss ko na ang work ko as an agent!

And by the way, 3 years from now ay magaganap na ang sinasabing "DOOMSDAY". Scary, isn't it? Ano nga ba ang mangyayari after 3 years?

No comments: