Good evening!
Haist, sandali lang yung tulog ko kanina. Imagine, after ng caroling namin ay hindi na ako natulog. Ka-bonding ko rin kasi yung friend ko kagabi dahil never pa kaming nagkaroon ng mahabang bonding. Sayang nga lang dahil hindi namin kasama yung isa naming friend na tinuring ko na ring best friend ko.
After ng bonding moments ay umuwi muna ako sandali para maghilamos at magpalit ng damit para pumunta sa simbang gabi sa San Exequiel. Supposedly sana ay hindi ako aakyat sa service dahil hindi naman ako na-assign para nga doon. Pero noong malapit nang magsimula yung mass, wala pa rin yung ibang tenor. Eh paano, mga "enggalotz"! Kaya ako muna ang nag-substitute. Buti at may bass, alto at soprano sa amin before nag-start yung misa. Aside sa aming Living Hope, naroon din ang Coro de San Lorenzo, Bigkis, at Exequiellian Voices. Buti nga't nandoon yung classmate ko noong elementary na taga Coro. Imagine, saka ko lang siya naging ka-close noong nagtagpo uli kami! At di-kalaunan ay dumating na rin yung ibang tenor pati yung president namin na bass. At least, naranasan ko ring makapag-serve na kasama yung iba't ibang choir members from different groups.
After ng misa ay super uwi na ako at nagpahinga sandali. After lunch ay pumunta na ako sa San Bartolome para sa paskong paslit. In fairness, ang daming bata na super kulit ever. But it was worth it na napasaya naming mga youth ministers ang mga kapos-palad na kabataan. After all, it's our obligation na tumulong sa kanila in accordance of the corporal works of mercy.
After ng activity, nagkaroon naman kaming mga youth ministers ng pagkakataon na makapagpahinga at magkaroon ng kaunting bonding. In my case, medyo nawalan ako ng kuneksyon sa kanila. Kaya sisikapin ko pa ring maka-bonding uli sila, lalo na't tapos na ako ng pag-aaral at marami na akong oras para bumawi naman.
At heto, kakauwi ko lang. Mamayang madaling araw naman ay service ng choir group ko. Oo, nga pala... kailan ko makukuha yung uniform ko?
【9月総括】
-
【ごめん・なはり線】10月3日(金)からJR四国「志国土佐
時代トキの夜明けのものがたり」土佐くろしお鉄道「ごめん・なはり線」の運行が開始されるにあたり、9月初旬、先だって布師田車両基地で開かれた特別試食会に参加いたしました。
【OMO7高知 by 星野リゾート監修による新メニュー】 【綺麗】 【可愛い】 【...
3 days ago
No comments:
Post a Comment