Thursday, 31 December 2009

Végső Szolgáltatás


Good evening.

Within few moments, we will be leaving the year 2009. Napakarami na ngang nangyari sa taong ito.

Kanina lang, I have made my final decision na iwanan na ang Living Hope Chorale na aking pinaglingkuran sa loob ng higit isang taon. Napakatagal na rin nun.

Kung ano man ang mga dahilan ko, only my heart and mind know about it.

Naging masaya naman ang aking pamamalagi sa choir na yun. Pero siyempre, may mga bagay na nangyayari na hindi naiiwasan.

Gaya ng sinabi ng isa kong ka-grupo nitong mga nakaraang madaling araw, walang perpektong grupo. Sang-ayon naman ako sa pananaw na yun.

Aaminin ko sa sarili ko, napakarami ko ring kapintasan. At lalung lalo na, napakarami kong pagkukulang sa sarili ko at sa mga naging ka-grupo ko. Ni hindi ko man lang kasi natupad sa mga karamihan sa mga expectations nila sa akin. Pero siyempre, dapat pa ring punain muna ng sino man ang sarili niya bago siya manghusga ng iba.

My conclusion? Lilipat na ako ng ibang grupo. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay tuluyan ko nang puputulin ang ugnayan ko sa Living Hope Chorale. Malaki rin ang aking utang na loob sa kanila, lalo na sa aming president na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako magiging bahagi ng aming grupo. Grabe, napakarami kong natutunang aral sa kanila.

Oh siya, aalis na ako. Kailangan ko pang samahan si mommy pati yung tita ko. At paniguradong gagala kami ng mga kaibigan ko. HAPPY NEW YEAR!

GOODBYE 2009! WELCOME 2010!
PROUD TO BE LHC MEMBER!

No comments: