Thursday, 10 December 2009

Ligaya at Hapdi




Good evening! Don't think of something queer about my blog title!

At last, nabili ko na rin yung album ni BoA na BoA Deluxe Album! Ayos lang kahit na naisangla ko yung mobile phone ko, it's worth it na hindi ko pinalampas ang pagka-disponible ng latest album ni BoA!

Imagine, ilang ulit kong pinag-isipan mabuti kung dapat ko na nga isangla yung isa kong cellphone para magkaroon ng pambili ng album o hintayin ko pa ang Pasko paran ako makabili. Pero hindi ako makapaghintay eh! Iba na rin yung nagkaroon ako kaysa mawalan pa. In fairness, may poster pa ako!

At kaninang pagkagaling ko sa biyahe ay may natanaw akong hindi ko kailan man inasahang matatanaw. For all these times na nais ko siyang makita at makausap, pinalampas ko pa yung pagkakataong yun. Almost a year na noong huli ko siyang nakita, at sobra ko na ring nami-miss yun. Ang tanga ko eh.

Ganito kasi yung nangyari. Bumaba na ako sa bus sa harapan ng isang mall para bumili ng gamot sa botika na nasa mall. At noong pagkababa ko ay biglang gulat ko noong nakita ko siyang nag-aabang ng masasakyan. I am certain na nakita rin niya ako. Pero tumawid na ako nun. Grabe yung kaba sa kalooban ko. Ngayon lang ako uli kinabahan nang ganun. Eh paano, nakita ko uli siya eh. Noong nasa botika na ako, hindi ako mapakali kung dapat ko nga ba siyang puntahan o dapat na lang ako bumili ng gamot para sa nanay ko. Pero natanaw ko pa rin siyang naghihintay ng masasakyan. Kaya lumabas muna ako para magbakasakaling makausap siya kahit na saglit lang.

At ang tanga ko, sumegwei pa akong bumili ng yosi. At nagkatitigan uli kami. He certainly knew that I was looking sa kanya. At hanggang sa nakasakay na siya ng jeep. Ayun, kawawa ako!

For all these times na hindi ko siya nakita, grabe ang pagka-miss ko sa kanya kahit na I'm just an ordinary person na nakakasalubong lang niya sa daan. I cannot blame yung taong yun na pahalagahan din niya ako tulad ng pagpapahalaga sa kanya dahil siya na rin yung nagsabi sa akin dati na hindi ko hawak ang puso at isip ng ibang tao. Kung baga, it's one's disposition. But still, ako ang malaking tanga dahil pinakawalan ko pa yung pagkakataong makausap siya kahit na saglit lang. ANG TANGA KO.

No comments: